COMELEC, nagpaalala sa huling araw ng voters’ registration sa April 29

by Radyo La Verdad | April 26, 2017 (Wednesday) | 834


Muling nagpaalala ang Commission on Elections sa mga botante na hindi pa nakapagpaparehistro para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre.

Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, hindi na palalawigin pa ang April 29 deadline sa voters registration.

Tiniyak naman ng COMELEC Chief na mananatiling bukas ang mga tanggapan ng kanilang local election officers sa mga bayan at maging sa lungsod sa Metro Manila sa April 27 at 28.

Ito ay sa kabila ng idineklarang suspensyon ng pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan upang bigyang daan ang ASEAN Summit and related meetings.

Samantala sa huling araw ng voters registration, maaaring magparehistro ang mga nagnanais makaboto sa barangay at SK election mula alas otso ng umaga hanggang ala singko ng hapon sa mga opisina ng local election officers ng COMELEC.