Comelec, naglagay ng express lane para sa mga PWD at senior citizen sa polling places sa Baguio City

by Radyo La Verdad | May 14, 2018 (Monday) | 3515

Nasa 154, 914 ang botante na inaasahang boboto ngayong araw sa summer capital ng bansa, ang lungsod ng Baguio.

Dahil dito, naglagay ang Commissions on Election (Comelec) ng express lane para sa mga botante na kabilang sa persons with disability (PWD), senior citizen at maging ang mga buntis.

Ayon kay City Election Officer John Paul Martin, ang limampu’t walong polling precint sa lungsod ay nilagyan ng priority lane dito pipila ang mga matatanda, may kapansanan at mga buntis.

Kahapon, alas singko pa lang ng hapon ay nakahanda na at naideliver na ang mga official ballots para election ngayong araw.

Maging ang mga pulis na magbabantay sa mga polling precints ay 24 oras na nakabantay para sa seguridad ng mga official ballots na gagamitin bago magsimula ang pagboto ay nagsagawa muna ang mga board of election tellers ng preliminary stovoting, kung saan ipapakita sa mga botante at watchers na walang laman ang mga ballot boxes sa presinto.

Paalala ng Comelec sa mga botante na hanggang alas tres lang ngayong araw ang pagboto at wala silang ibibigay na extension.

 

( Grace Doctolero / UNTV Correspondent )

Tags: , ,