COMELEC, naglaan ng P10-M para sa VRM at iba pang peripheral equipment

by Radyo La Verdad | January 24, 2017 (Tuesday) | 1063

COMELEC1
Naglaan ng mahigit sampung milyong piso ang Commission on Elections o COMELEC para sa mga kakailanganin Voter Registration Machines at iba pang peripheral equipment.

Sa invitation to bid na naka-post sa COMELEC website, target ng poll body na makabili ng isang daan at tatlumpung units ng desktop computers, untinterruptible power supply units, web cameras, signature pads at finger print scanners.

Ang mga ito ay gagamitin sa pagpapatuloy ng voter’s registration at validation sa buong bansa.

Inaasahang lalo pang darami ang mga botanteng magpaparehistro upang makaboto sa mga susunod na halalan.

Tags: ,