Naglaan na ang Commission on Elections o COMELEC ng hotline para sa mga poll workers na hindi pa nakakatanggap ng honorarium.
Kung mayroong mga concern o katanungan ang mga ito kaugnay sa kanilang tatanggaping allowance maaring tumawag sa mga numerong 536-6572, 536-6581, 521-5995, 521-6769, 522-1607, 527-5577, 527-5588 mula lunes hanggang linggo tuwing alas otso ng umaga hanggang alas onse ng gabi.
Sa datos ng COMELEC, labing-apat na porsyento na lang o nasa animnaput anim na libo na lamang sa mahigit four hundred thousand election workers ang hindi pa nakakakuha ng kanilang honorarium.
Inaasahan ng poll body na sa susunod na linggo ay makukuha na ng lahat ng election workers ang kanilang honorarium.
(UNTV NEWS)