Comelec, nabigyan ng dagdag P2.5-B para sa 2023 BSKE

by Radyo La Verdad | September 18, 2023 (Monday) | 1664

METRO MANILA – Nabigyan ng karagdagang P2.5-B na pondo ang Commission on Elections (Comelec) para sa pagsasagawa ng 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa October 30.

Ito ang ipinahayag ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III sa deliberations ng P22.9-Billion proposed budget ng Comelec para sa 2024.

Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, kailangan nila ng additional budget bukod sa orihinal na P8.441 Billion na ibinigay sa kanila bunsod ng lumaking bilang ng mga bagong botante.

Sa ngayon ay umabot na sa P11-B ang kabuuang pondo ng komisyon para sa nalalapit na halalan.

Tags: