COMELEC, nababahala sa mga nangyayaring bombing sa mga transmission towers ng NGCP

by Radyo La Verdad | January 20, 2016 (Wednesday) | 1672

COMELEC-ANDRES-BAUTISTA
Nababahala ang Commission on Elections sa nangyayaring pambobomba sa mga transmission towers sa Mindanao.

Makikipagpulong ang COMELEC sa National Grid Corporation of the Philippines upang malaman kung ano ang maipapangako ng ngcp kaugnay sa magiging suplay ng kuryente sa rehiyon lalo na pagdating sa araw ng halalan.

Ayon sa COMELEC, hindi makakaapekto sa proseso ng halalan ang kawalan ng kuryente dahil may generator sets at baterya naman ang mga vote counting machine na kayang tumagal ng 14 to 15 hours.

Ngunit nababahala naman ang komisyon sa seguridad ng mga taong magiging bahagi ng eleksyon.

Samantala plano din ng COMELEC na lawakan ang sakop ng kapangyarihan ng gunban committee upang masaklaw maging ang election security.

(Victor Cosare / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,