Comelec, muling binalaan ang BSKE 2023 candidates sa election violations

by Radyo La Verdad | October 17, 2023 (Tuesday) | 1736

METRO MANILA – Muling ipinapaalala kahapon (October 16) ng Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato ang mga mahigpit na ipinagbabawal para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) campaign period na magsisimula sa October 19-28.

Binabalaan ng ahensya ang mga aspirant laban sa maling sukat ng mga materyales sa kampanya tulad ng tarpaulin, at mga indibidwal na poster na lumalagpas sa 2-3 talampakan sa mga common poster areas.

Sa isang urgent memorandum, binanggit na ang election officer ay magpapadala ng abiso para alisin ang mga bawal na campaign materials na nakapaskil sa pampubliko at pribadong ari-arian at maglalabas ng isang show cause order sa mga violator.

Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, ang mga kandidato ng BSKE ang mananagot kapag natagpuan ng mga election officer ang mga bawal na materyales sa mga common poster area, pampublikong lugar, at maging sa pribadong lugar.

Samantala, isasagawa naman ng ahensya ang nationwide operation baklas o ang pag-aalis ng ilegal na mga campaign material mula October 20-27.

Tags: