May special voter’s registration ngayong araw ang Commission on Elections (Comelec) para sa mga person with disability (PWD) at senior citizen.
Sa ipinalabas na abiso ng Comelec, ngayong Miyerkules, ika-5 ng Setyembre, tatanggap lamang ng mga PWD at senior citizens ang lahat ng Comelec sa buong bansa.
Bukod sa pagpaparehistro, maari ding magpatransfer o reactivation ng registration.
Magdala lamang ng original copy at photo copy ng aliman sa mga valid ID tulad ng student ID o library ID, employer’s ID, postal ID at iba pa.
Maari ding magpabago o magfile para sa correction of entries.
Magdala lamang ng PSA copy ng birth certificate para sa may gustong ipabago tulad ng nagkamali sa spelling ng pangalan o apelyido, birthday, birth place o anomang mali ang spelling.
Habang PSA copy naman ng marriage contract o court order para sa pagbabago ng inpormasyon dahil sa pag-aasawa o kautusan ng korte.
Bukas lahat ng Comelec offices hanggang ala singko ng hapon.
Tags: COMELEC, PWD, Senior Citizens