COMELEC mangangailangan ng supplemental budget kung tataasan ang honoraria ng mga guro na magsisilbi sa halalan

by Radyo La Verdad | January 29, 2016 (Friday) | 2472

COMELEC
Kapag naratipikahan na ng House of Representatives at Senado ang Election Service Reform Act pirma na lamang ng pangulo ang kailangan upang ito ay maging isang ganap na batas.

Nakasaaad sa panaukalang batas na boluntaryo na ang pagseserbisyo ng mga public school teachers sa halalan bilang Board of Election inspector o BEI.

Nakapaloob din sa panukala ang pagtataas sa honoraria ng mga guro.

Mula 3,000 pesos magiging 6,000 ang honoraria ng BEI Chairman at gagawing limang libo naman ang dating tatlong libong piso honoraria ng 2 BEI members.

Ngunit para sa COMELEC mangangailangan sila ng karagdagang pondo upang maibigay ang increase.

Sa ngayon tatlong libong piso ang tinatanggap na benispisyo ng mga guro para sa tatlong araw na pagseserbisyo.

Karagdagang 1,500 pesos din ang kanilang natatanggap para sa verification and sealing ng book of voters, final testing and sealing ng mga vote counting machines at transportation allowance.

Ayon sa COMELEC mahigit sa 300 libong guro lang o kalahati sa mahigit 600 libong public school teachers sa buong bansa ang kailangan ng COMELEC para sa 95,000 clustered precincts.

Kaya hindi naman nababahala ang poll body kung magiging voluntary ang pagseserbisyo ng mga guro sa halalan.

Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista kung sakaling kukulangin ng mga guro kukuha sila ng ibang government employees.

Aabot naman sa punto na mga pulis ang kukunin nilang bei kung may matinding security problem ang isang lugar.

Ngayon huwebes lumagda naman sa kasunduan ang COMELEC at Department of Science and Technology.

Ang DOST ang magtuturo at magbibigay ng sertipikasyon na kaya ng mga guro na ioperate ang mga makinang gagamitin sa halalan.

Ito na ang ikatlong beses na gagawin ito ng DOST mula nang maging automated ang halalan sa bansa.

Magbibigay naman ng 2,000 piso sa mga guro ang COMELEC para sa magiging gastos nila sa pagdalo sa mga tranings.

Magsisimula ang certification process sa March 1.

(Victor Cosare/UNTV News)

Tags: , ,