Comelec, mahigpit na binabantayan ang mga premature posting ng campaign materials ng mga nais kumandidato

by Radyo La Verdad | April 30, 2018 (Monday) | 2321

 

Pinaiigting ng Commission on Elections ang kanilang pagbabantay sa mga premature posting ng campaign materials ng mga nagsumite ng kanilang kandidatura.

Nauna nang ipinahayag ng Comelec na bagaman hindi election offense ang premature campaigning, hindi naman maaaring magpaskil ng mga campaign materials lalo na’t hindi pa naman campaign period.

Paalala ng Comelec, wala pang official list ng mga candidates para sa barangay at SK elections kaya hindi pa maituturing na kandidato ang mga nagsumite pa lang ng kanilang kanditatura.

Isa pa sa mahigpit na babantayan ng poll body ay ang pag-iral ng political dynasty.

Samantala, sinasamantala pa ng Comelec at National Youth Commission (NYC) ang nalalabing araw bago pumasok ang campaign period upang magbigay ng sapat na impormasyon sa mga kabataan lalo na mga first timer na boboto at kakandidato.

Layon ng NYC na maipaunawa sa mga kabataan ang SK Reform Act lalo na ng pagpapatupad ng mga bagong programa sa mga kabataan, tulad na lamang ng probisyon tungkol sa anti-political dynasty.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

Tags: , ,