COMELEC, magdaraos ng evaluation conference sa Hulyo

by Radyo La Verdad | May 26, 2016 (Thursday) | 2076

COMELEC1
Nakatakdang magsagawa ng isang evaluation conference ang Commission on Elections sa Hulyo.

Dito, tatalakayin ng poll body ang mga naging hakbang ng ahensya nitong nakaraang eleksyon at ang mga dapat pang ayusin sa COMELEC.

Una nang sinabi ni COMELEC Chairman Andres Bautista na may mga aspeto noong 2010 at 2013 automated elections ang nahigitan ngayong taon kabilang na ang transmission ng election results, mas mataas na voters turnout, pagbuhay sa presidential debate, ang kawalan ng issue sa digital lines, mabilis na pag iimprenta ng mga balota, mahabang source code review at mababang bilang ng mga makinang kinailangang palitan.

Balak namang magsulong ng COMELEC ng mga pagbabago para naman sa magaganap na 2019 midterm elections.

Tags: , ,