Comelec, kumpiyansa na hindi maantala ang pagsasagawa ng halalan sa May 13

by Erika Endraca | May 6, 2019 (Monday) | 6587

Manila, Philippines – Naninindigan ang Commission on Elections (COMELEC) na tuloy ang halalan sa May 13 bagaman may mga kumakalat na ilang isyu gaya na lamang sa balota.

Ayon kay Comelec Spokesperson Director James Jimenez, batay sa overall assessment naabot ng comelec ang target deadline sa pag-imprenta ng mga balota hanggang sa pagpapadala ng mga ito sa regional election offices sa mga probinsya.

“We’ve managed to stay within timeframes, wala tayong pangamba ngayong na baka ma-delay iyong Elections dahil meron tayon hindi nagawa so i think that’s a good thing considering during the scope of the Elections” ani Comelec spokesperson director James Jimenez.

Pinabulaanan ng comelec ang kumakalat sa social media na pre-shaded na ang pangalan ng ilang kandidato sa balota bago pa man ito piliin ng isang botante.

Paliwanag ng comelec, peke ito at walang ganoong balotang inimprenta ang comelec. Patunayan aniya ng naglabas ng video na totoo iyon at kung saan iyon nanggaling.

Inaasahan din aniya ng comelec na may mga lalabas pang ilang isyu kahit bago pa magsimula ang halalan sa May 13.

“We saw with the markers last minute hiccups but again our preparations are such that we seem to be well-placed to respond to these last minute problems . In fact back in 2010 we had even worse last minute problems if you recall, iyong SD card..”  ani Comelec Spokesperson Director James Jimenez.

Tinitiyak din ng poll body na nakahanda ang lahat ng bumubuo ng electoral board sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa anomang hindi ina-asahang power outage o biglaang pagkawala ng supply ng kuryente.

Kumpleto aniya ang generator sets sa mga polling places at kayang tumagal ng labing anim na oras ang mga baterya ng Vote Counting Machnes (VCM)

“Expect the best prepare for the worst so there are gensets, there are batteries.Generator sets are very criticl especially during the canvassing period batteries  are critical during the actual voting period you see it’s te batteries that allows the machines to run off grid “  ani Comelec Spokesperson Director James Jimenez.

Samantala, tiniyak din ng comelec na makakahanap sila ng citizen’s arm o election watchdog na makatutulong nila sa pagsasagawa ng Random Manual Audit (RAM).

Ito ay matapos na mag- back out ang namfrel bagamat accredited at aprubado sila ng comelec na maging partner sa halalan.

Ayon sa comelec, umatras ang namfrel. Dahil hindi naman nila pinagayan ang kahilingan ng grupo na magkaroon ng open access sa information data na hawak ng comelec.

Ibang bagay aniya ang kahilingang ito bukod sa magiging katuwang na maging citizens ‘ arm sa darating na halalan.

(Aiko Miguel | Untv News)


Tags: , ,