COMELEC, kinansela ang planong pagbili ng BEI uniforms

by Radyo La Verdad | April 6, 2016 (Wednesday) | 2231

COMELEC-ANDRES-BAUTISTA
Iniurong ng Commission on Elections ang plano nito na bumili ng uniporme para sa mga miyembro ng Board of Election Inspectors.

Ito ang inanunsyo ni COMELEC Chairman Andres Bautista matapos tumutol sa nasabing proyekto ang apat na commissioners ng poll body na sina Rowena Guanzon, Luie Guia, Arthur Lim at Christian Robert Lim.

Ayon kay Bautista, sa halip na bib vest, DEPED uniform na lamang ang isusuot ng mga miyembro ng BEI.

Samantala, tuloy pa rin ang bibilhing mahigit anim na libong t-shirt para sa mga kawani ng COMELEC na gagamitin sa araw ng eleksyon.

Tags: , ,