Comelec, kinansela ang desisyong bumili ng uniporme ng Board of Election Inspectors para sa halalan sa Mayo

by Radyo La Verdad | April 6, 2016 (Wednesday) | 1827

BEI
Hindi na itutuloy ng Commission on Elections o Comelec ang pagbili ng uniporme o bib vest para sa mga guro na magsisilbing Board of Election Inspectors o BEI sa halalan sa Mayo.

Sa halip na gumamit ng bib vest, ang kanilang DepEd uniform na lang ang gagamitin ng mga guro na magsisilbing BEI at ang identification cards na ii-issue sa kanila ng Comelec.

Ngunit ayon sa Comelec, tuloy pa rin ang pagbili ng mahigit anim na libong t-shirts para sa uniporme ng kanilang mga tauhan sa eleksyon.

Una ng umani ng batikos ang gagawing pagbili sana ng poll body ng uniporme para sa mga BEI na pinaglaanan ng mahigit dalawamput anim na milyong pisong pondo.

(UNTV NEWS)

Tags: ,