Isa sa mga binitawang pahayag ni Pangulong Aquino sa kaniyang huling State of the Nation Address na umani ng malakas na palakpakan ang patungkol sa kagustuhan nitong maipasa ang isang Anti Political Dynasty Bill.
Para kay Commission on Elections Commissioner Luie Tito Guia, welcome development ang naturang pahayag ng pangulo.
Ayon kay Guia, sa matagal na panahong isinusulong ang nasabing panukala sa kongreso, ngayon lang may nagsalitang punong ehekutibo na sumusuporta rito.
Ngunit sinabi ni Guia na gipit na ang panahon upang maipasa ang panukala lalo’t sa Oktubre na ang filing ng Certificates of Candidacy para sa mga tatakbo sa darating na 2016 elections.
Ayon kay Giua kailangan lang matiyak na ang ipapasang batas ay tunay na makakasawata sa dinastiya.