Comelec isinusulong ang pag-amyenda sa omnibus election code pagkatapos ng 2016 elections

by Radyo La Verdad | November 6, 2015 (Friday) | 1545

ANDRES-BAUTISTA
Kung ang Commission on Elections ang tatanungin may mga punto na sa mga batas kaugnay sa eleksyon ang hindi na tugma sa automated elections na siyang ginagamit na sa ngayon sa bansa.

Halimbawa na rito ang pagsasagawa ng voters registration na kailangang tapusin nang mas maaga upang agad matukoy ang bilang ng mga botante na siyang basehan sa pag-imprenta ng mga balota.

Subalit kung ang pagbabatayan ay ang inihaing petisyon ng Kabataan Partylist sa Korte Suprema na humihiling na mapalawig ang October 31 deadline ng voters registration iligal ang hakbang na ito ng Comelec dahil sang-ayon sa batas dapat tuloy-tuloy ang pagpaparehistro at ititigil lamang apat na buwan bago ang halalan o sa enero pa ng susunod na taon.

Aminado rin ang Comelec na wala silang poder sa ngayon upang mapigilan ang maagang pagpapalabas ng mga campaign ad ng mga pulitiko dahil walang batas na nagbabawal ng premature campaining.

Kaya para sa Comelec kailangan nang maamyendahan ang omnibus election code.

Samantala, pagkatapos ng 17 buwan na registration period, sa Enero target naman ng Comelec na mailunsad ang isang precinct portal kung saan maaring i double check ng publiko kung sila ay rehistrado na sa comelec at maaari nang makaboto sa halalan.

Sakaling lumitaw sa precinct portal na hindi rehistrado ang isang tao sakabila na dumaan ito sa proseso ng pagpaparehistro kailangan magpakita ng katibayan upang maisama sa voters list.

Kapag nailunsad na ang precinct portal sa website ng Comelec maglalagay din ng mga kiosk ang comelec sa ilang piling lugar gaya sa mall kung saan pwedeng i check ng publiko kung sila ay rehistrado ng botante at makakaboto na sa 2016 elections.(Victor Cosare/UNTV News)

Tags: ,