COMELEC, ipagbabawal ang paninigarilyo sa mga voting precincts sa buong bansa sa May 9, 2016 elections

by Radyo La Verdad | April 18, 2016 (Monday) | 4923

COMELEC-FACADE-2
Ipagbabawal ng Commission on Elections o COMELEC ang paninigarilyo sa mga voting precincts sa buong bansa sa May 9, 2016 elections.

Kabilang sa mga pagbabawalan ang mga botante, volunteers at lahat ng may kinalaman sa mga gagawin sa loob ng mga voting precincts.

Alinsunod ang patakaran sa hiniling na tulong sa COMELEC ng Civil Service Commission na ipatupad ang CSC Memorandum Circular No.17 o smoking prohibition based on 100 percent smoke free environment policy.

Inapubrahan ng COMELEC ang request ng CSC noong ika-lima ng Abril.

Tags: , , , ,