Inilabas na ng Commission on Elections ang resolusyon na nagpapahintulot ng pagpapalawig sa deadline ng pagsusumite ng Statement of Contributions and Expenditures o SOCE.
Batay sa COMELEC Resolution Number 1-0-1-4-7, widespread vacuum in public service at posibilidad ng constitutional crisis ang ilan sa dahilan kung bakit pumayag ang mayorya sa mga miyembro ng COMELEC en banc na ma extend hanggang June 30 ang deadline sa pagsusumite ng SOCE.
Ito ay sa dahilang marami ang hindi makakaupong kandidato dahil hindi nakapagsumite ng SOCE ang kanilang partido.
Nakasaad din sa resolusyon na kahit lagpas na ng June 30 ay maari pa ring magsumite ng soce ang mga kandidato at partido subalit pagbabayarin na sila ng multa.
(Victor Cosare/UNTV Radio)
Tags: COMELEC Resolution Number 1-0-1-4-7, Statement of Contributions and Expenditures