Comelec, ini-screen ang mga kandidato at supporter bago pumasok sa Palacio Del Gobernador

by Radyo La Verdad | October 11, 2018 (Thursday) | 2039

Mas mahigpit ang seguridad ngayon sa Commission on Elections (Comelec) lalo na’t sinisiguro ng security na tama ang bilang ng mga pumapasok sa loob ng Palacio Del Gobernador.

Muling ipinaliwanag ni Comelec Spokesperson Dir. James Jimenez sa media na kailangan nilang gawin ito upang mas maging maayos ang pagpa-file ng certificates of candidacy (COC) at Certificates of Nomination and Certificates of Acceptance of Nomination (CONA) ng mga party-list.

Mapayapa at maayos sa loob ng Palacio Del Gobernador nguni’t iba ang eksena o scenario sa labas ng palacio. May mga nais mag-file na nakikiusap sa guard kung maaaring pumasok at makapagusmite ng kanilang COC.

Kabilang sa sinasala ng Comelec ay kung may dala na silang na-fill out na COC bago pa pumasok sa loob ng palacio.

Paalala ng Comelec sa mga kandidato, may bagong COC form na maaaring i-download ng mga kakandidato sa Comelec website sa www.comelec.gov.ph.

Ayon kay Atty. France Arabe, director 3 ng Education and Information Department, mababalewala ang pagsusumite ng COC kung hndi naman ito ang official form na inisyu ng Comelec.

Samantala, ang unang grupong nagpakita ng suporta sa labas ng Palacio Del Gobernador ay ang mga taga-hanga, kabigan at kakilala ni Freddie Aguilar o ang “Aguilar clan”

Nakahilera ang mga ito at dala-dala ang malalaking tarpaulin ni Freddie Aguilar.

Pangalawa ngayong umaga si Freddie Aguilar na nagsumite ng kaniyang COC.

Paalala ng Comelec sa mga magsusmite ng kanilang kandidatura na mas mahigpit ngayon ang seguridad at dapat ay kumpleto at official forms ang kanilag dala-dalang COC upang hindi na maantala ang pagsusumite ng kanilang COC.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

Tags: , ,