COMELEC, inakusahan ng kampo ni dating Sen. Marcos ng paglabag sa precautonary protection order ng Presidential Electoral Tribunal

by Radyo La Verdad | August 11, 2016 (Thursday) | 2442

FERDINAND-MARCOS
Pinagpapaliwanag ng kampo ng natalong kandidato sa pagkapangalawang pangulo na si Ferdinand Marcos Junior ang Commission on Elections kung bakit hindi nito sinunod ang precautionary protection order ng Presidential Electoral Tribunal o PET.

July 12 nang mag isyu ang pet ang kautusan sa COMELEC na protektahan upang huwag mapakialaman ang mga election material na kailangan sa election protest ni Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.

Subalit natuklasan ng Marcos camp na noong July 12 din ay naglabas ng resolusyon ang COMELEC en Banc upang magsagawa ng stripping activity sa mga vote counting machine at i back-up ang mga sd card na ginamit noong halalan.

Ayon sa kampo ni Marcos sinimulang ipatupad ang kautusan noong July 16.

Sumulat na sa COMELEC si Marcos hinggil dito.

Iaakyat din ni Marcos ang isyung ito sa Korte Suprema na siyang tumatayong Presidential Electoral Tribunal.

Ngunit ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, kailangan din nilang gawin ito bago isauli ang mga nirentahang Vote Counting Machine.

Sumulat na ang comelec sa P-E-T upang humingi ng klaripikasyon dahil kailangan nang maisauli ang mga VCM sa may-ari bago ang Disyembre.

(Victor Cosare / UNTV Correspondent)

Tags: , ,