COMELEC, hinikayat ang publikong ipaskil sa social media ang election campaign violations

by Radyo La Verdad | February 11, 2016 (Thursday) | 1914

COMELEC
Nagsimula na ang COMELEC sa pagpapatupad ng kanilang shame campaign laban sa mga kandidatong lumalabag sa mga regulasyon ng pangangampanya para sa May 2016 national elections.

Martes, nagsimula na ang COMELEC katuwang ang Department of Public Works and Highways at Metropolitan Manila Development Authority sa pagbabaklas ng mga ilegally posted campaign material.

Ang mga ganitong uri rin ng paglabag ang maaaring isumbong sa COMELEC sa pamamagitan ng pagkuha ng litratro at pagpopost nito sa social media partikular na sa twitter gamit ang hashtag na sumbong ko.

Ilagay rin sa ipo-post na picture ang location kung saan at kailan kinuhanan ang mga ilegal na campaign material.

Samantala, bukod pa riyan nagmomonitor na rin ang COMELEC sa mga tv advertisement ng mga candidate kung gaano katagal ang kanilang campaign advertisement at magkano ang kanilang nagagastos sa pangangampanya.

Ayon sa COMELEC, para sa mga national candidate at political parties, hindi dapat hihigit sa 120 minuto ang kanilang tv advertisement sa isang istasyon samantalang 180 minutes lang ang ipinahihintulot sa kada radio station.

Ang mga presidentiable at vice presidentiable ay nararapat lamang gumastos ng sampung piso kada botante para sa kanilang mga campaign materials samantalang tatlong piso naman kada botante para sa mga tumatakbo sa lokal na posisyon.

Bawal din sa mga kandidato ang pamimigay ng anumang item na may value ganun din ang salapi sa panahon ng election period.

(Rosalie Coz/UNTV News)

Tags: ,