COMELEC, hinikayat ang mga kandidato na dumalo sa isasagawang final testing at sealing ng VCMs

by Radyo La Verdad | April 27, 2016 (Wednesday) | 10248

COMELEC1
Hinikayat ng Commission on Elections ang mga kandidato sa May 9 elections na saksihan ang isasagawang final testing at sealing ng Vote-Counting Machines.

Isasagawa it sa lahat ng clustered polling precincts sa bansa sa darating na Mayo a-kuwatro.

Ayon sa COMELEC, layon nito na maipakita sa lahat na gumagana ang VCMs na gagamitin sa mga presinto sa araw ng halalan bago ito selyuhan.

Sa araw ng testing, sampung botante ang susubok na bumoto gamit ang official ballots na ipapasok sa mga VCM.

Agad naman itong papapalitan sakaling may makitang depekto.

Bukod sa mga kandidato, bukas rin ang testing sa mga supporter na magbabantay sa araw ng botohan.

Tags: , , ,