COMELEC hindi ireregulate ang paggamit ng social media sa pangangampanya

by Radyo La Verdad | November 11, 2015 (Wednesday) | 1837

JIMENEZ
2010 pa lamang, batid na ng Commission on Elections na malaki ang magiging papel ng social media sa kalalabasan ng mga halalan.

Lalo na sa susunod na halalan na malaking porsiyento ng mga rehistradong botante ay kabataan na may access sa social media.

Paglilinaw ng Commission on Elections, wala itong ipinatutupad na regulasyon kaugnay sa paggamit ng social media sa pangamgampanya.

Gayunpaman, susuriin ng COMELEC ang ginastos ng mga kandidato sa produksiyon ng pag-upload sa kanilang social media accounts gaya ng mga video material.

Ayon kay Jimenez ang mga ginastos dito ay dapat na isama ng mga kandidato sa isusumiteng Statement of Contributions and Expenditures o SOCE pagkatapos ng halalan.

Kung hindi ireregulate ng COMELEC ang paggamit ng social media sa pangamgampanya,maglalabas naman ito ng guidelines sa online campaigning na inaasahang mailalabas na sa Disyembre.

Paalala naman ng COMELEC sa mga government employee na sakop ng civil service rules na bawal ang partisan politics sa kanilang hanay.(Victor Cosare/UNTV Correspondent)

Tags: ,