Napabalita kamakailan ang mga natanggap na campaign contribution ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakalipas na may presidential elections.
Sa ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism o PCIJ, kabilang sa mga nag-ambag sa P375 million campaign funds ni Duterte ang ilang negosyante batay na rin sa Statement of Contributions and Expenditures na isinumite nito sa COMELEC.
Ngunit ayon sa COMELEC, bagama’t public document ang SOCE ng mga kandidato ay hindi nila ito maaaring isa-isahing suriin;
At kung may nais na paimbestigahan, kinakailangang magsampa sila ng pormal na reklamo.
Samantala, magpupulong naman sa martes ang COMELEC at ang PCIJ upang pag-usapan ang naging basehan ng kanilang ulat.
Sa ngayon ay hawak ng COMELEC Campaign Finance Office ang mga ulat kaugnay ng campaign expenditures ng mga kandidato at wala sa mga ito ang iniimbestigahan ng COMELEC dahil sa overspending.
(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)
Tags: COMELEC, handang imbestigahan ang SOCE ng 2016 national election candidates kung may magrereklamo