Inaprubahan na ng COMELEC En Banc ang planong paggamit ng mga pasilidad ng mga mall para gawing voting centers sa 2016 elections.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, natapos na rin ang draft ng memorandum of agreement at kasalukuyan na itong nire-review ng mga commissioner at ng law department ng ahensya.
Kabilang sa mga posibleng pagdausan ng botohan ang Fisher mall; Robinsons Magnolia; SM Aura sa Taguig city, at Lucky China Town sa Binondo, Maynila.