Comelec Employees Union, nababahala sa gusot sa COMELEC

by Radyo La Verdad | June 29, 2016 (Wednesday) | 987

COMELEC-01
Nababahala na ang mga miyembro ng Commission on Elections Employees Union sa hindi pagkakaunawaan ng mga miyembro ng en banc.

Hindi anila marapat na magkaroon ng isang dysfunctional en banc ngayong apat na buwan na lamang bago ang barangay elections.

Marami pa rin anilang kailangang gawin ang COMELEC pagkatapos ng May 9 elections gaya ng legal reforms at technical evaluation kaya kailangang on board ang lahat upang magawa ito.

Kahapon hindi napag-usapan sa halos dalawang oras na en banc session ang reklamo ng mga commissioner laban kay COMELEC Chairman Andres Bautista.

Matatandaang sa isang memorandum inakusahan ng anim na commissioners si Bautista ng failure of leadership dahil sa maraming dahilan.

(Victor Cosare/UNTV Radio)

Tags: ,