METRO MANILA – Target ng Commission on Elections (COMELEC) na mahigitan ang voter turnout o bilang ng mga bumoto noong 2018 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa paparating na halalan sa October 30.
Ipinagpasalamat din ng komisyon ang pagdeklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na non-working day ang darating na BSKE.
Naniniwala ang Comelec na darami ang voter turnout dahil makakauwi ang mga botante sa kanilang probinsya para bumoto.
Aabot sa halos 70 million ang rehistradong botante sa paparating na eleksyon.
Samantala, paalala ng Comelec, bawal ngayon ang nakaugalian tulad ng pamimigay ng ballers, payong, panyo at iba pang bagay na may halaga.