Comelec Chairman Andres Bautista, iniimbestigahan na rin ng PCGG

by Radyo La Verdad | August 11, 2017 (Friday) | 2921

Kinumpirma ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na iniimbestigahan na rin si Comelec Chairman Andres Bautista dahil sa mga posibleng paglabag nito noong siya pa ang chairman ng Presidential Commission on Good Government o PCGG. Naging hepe ng PCGG si Bautista mula 2010 hanggang 2015 bago siya naitalaga bilang poll chief.

Ayon kay Sec. Aguirre, nakausap na niya ang mga commissioner ng PCGG at may ibinigay sa kanyang mga dokumento. Posible aniyang sa susunod na linggo ay magkaroon na sila ng report tungkol dito.

Pwede rin itong magamit upang matanggal sa pwesto si Bautista. Ayon pa sa kalihim, hahabulin pa rin si Chairman Bautista kahit magbitiw na ito sa pwesto.

Bukod sa imbestigasyon ng PCGG, iniimbestigahan din ng NBI si Bautista kaugnay ng umano’y tagong yaman nito.

 

(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,