Comelec Chairman Andres Bautista, impeached na sa Kamara

by Radyo La Verdad | October 12, 2017 (Thursday) | 3849

Ilang oras matapos maghain ng kanyang resignation letter opisyal na inimpeach ng Kamara si COMELEC Chairman Andres Bautista.

Karamihan ng mga kongresista bumoto para baliktarin ang naunang desisyon ng justice committee na i-dismiss ang reklamo.

Mismong si House Speaker Pantaleon Alvarez, naniniwalang may basehan ang complaint at dapat na ipagpatuloy.

Ilan sa mga alegasyong nakasaad sa reklamo laban kay Bautista ay ang umano’y mga tagong yaman nito na hindi dineklara sa kanyang SALN, pagtanggap ng referal fees mula sa smartmatic, hindi pag-aksyon sa aberyang nangayri sa transparency server sa kasagsagan ng Presidential election noong May 2016.

Ayon sa mga mambabatas maaari pa rin nilang ituloy ang impeachment proceeding hanggat hindi ito pormal na bumababa sa pwesto.

Ayon sa justice committee, sisimulan na nila ang pagpupulong para sa kanilang susunod na hakbang.

Samantala sa isang twitter post kagabi, sinabi naman ni Chairman Bautista sa na isang “unnecessary move” ang ginawa ng Kamara lalo na’t nakapaghain na siya ng kaniyang resignation ngunit handa umano siyang sumunod sa nakasaad sa batas.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,