Kinumpirma kahapon ni COMELEC Chairman Andres Bautista na nagsumite na siya ng kaniyang resignation letter kay Pangulong Rodrigo Duterte, epektibo ito sa December 31.
Aniya, hindi naging madali sa kanya ang naturang desisyon ngunit may mga pangyayari sa kanyang pamilya na nais niyang pagtuunan ng higit na pansin.
Nagpapasalamat din siya sa suportang ibinigay ng mga ito sa kanya lalo na noong mga panahong siya ay labis na tinutuligsa.
Ipinaliwanag rin nito na nais niyang bigyan ng panahon ang Pangulo na makahanap ng papalit sa kanya kaya hindi effective immediately ang kanyang resignation.
Mariin ding itinanggi ni Chairman Baustista na ang kanyang desisyon ay kapalit ng hindi pagtutuloy ng impeachment proceedings laban sa kanya sa Kamara.
Samantala, masama naman ang loob ni Commissioner Rowena Guanzon sa biglaang desisyon ni Baustista.
Ayon naman kay Chairman Bautista, ang Pangulo ang appointing authority kung kaya’t sa tanggapan ng Pangulo niya inihain ang kanyang sulat.
( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )