Comelec, binigyang-diin na di kailangan ang vaccination card para makaboto

by Erika Endraca | October 26, 2021 (Tuesday) | 5198

METRO MANILA – Wala pang batas na nag-oobliga sa mga tao na magpabakuna laban sa COVID-19.

Kaya naman, ayon sa Commission on Elections (Comelec), pagdating sa araw ng halalan sa May 9, 2022 hindi hihingan ng vaccination card o hindi requirement ang vaccination sa isang indibidwal upang siya ay makaboto.

“Lalo na ina-anticipate natin na on election day na meron at meron pang walang vaccination or yung mga taong hindi nagpa-vaccine for whatever reason makakaboto pa rin sila and they are not to present ‘yong vaccination card…ano ‘yong mga ganun.” ani Comelec Deputy Executive Director for Operations, Atty. Teopisto Elnas.

Gayunman, wala nang ibang alternative para makaboboto ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 at nasa isolation facility sa araw ng halalan.

“Paano naman ‘yong may mga sakit din may pneumonia, may cancer hindi naman sila makakaboto. So. If you’re sick we recommended you stay treatment or if you are contiguous stay away from people, I think that’s…shall we say fair.” ani Comelec Spokesperson, Dir. James Jimenez.

Dagdag pa ng Comelec, para marami pa ring makaboto kahit sa gitna ng pandemya, bukas ang komisyong palawigin ang oras ng botohan sa halalan.

“Just in case at the end of the voting hours meron at meron pa ring mga botante na nakapila or mga botante within the voting center uubusin yan hanggang matapos yan tatapusin yan. So in effect mag-i-extend tayo ng voting hours natin.” ani Comelec Deputy Executive Director for Operations, Atty. Teopisto Elnas.

Sa araw ng eleksyon, inaasahang i-rerequire pa ring magsuot ng mask at face shield ang mga botante.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang voters registration ng Comelec at matatapos ito sa sabado, October 30.

Sa datos ng Comelec, as of September 30, 2021, mayroon nang mahigit 63-Million na registered voters sa bansa.

(Dante Amento | UNTV News)

Tags: , ,