COMELEC, binalaan ang Miru sa posibleng mangyaring electoral sabotage

by Radyo La Verdad | March 12, 2024 (Tuesday) | 7184

METRO MANILA – Pinirmahan na kahapon (March 11) ng Commission on Elections (COMELEC) ang kontrata sa pagkuha ng serbisyo ng South Korean firm na Miru para sa automated elections system sa 2025 elections.

Binalaan ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia ang bagong voting machine provider nito hinggil sa posibilidad na lapitan ito ng mga grupo o pulitiko para makakuha ng pabor sa darating na 2025 elections sa Pilipinas.

Ayon kay Garcia, huwag sirain ng South Korean firm na Miru ang kontrata nito dahil mabigat ang parusa o walang piyansa ang electoral sabotage sa ilalim ng Republic Act 9369.

Tiniyak naman ng kumpanya na magiging transparent sila para sa pagdaraos ng maayos na halalan sa bansa.

Tags: ,