COMELEC at malalaking social media networks, magtutulungan para sa nalalapit na halalan

by Radyo La Verdad | January 29, 2016 (Friday) | 1152

COMELEC_BAUTISTA
Makikipagtulungan ang Commission on Election o COMELEC sa ilang malalaking social media networks tulad ng twitter at facebook kaugnay ng nalalapit na may 2016 elections.

Layunin nito na mas maabot ang milyon-milyong mga pilipino upang mabigyan ng tamang impormasyon at kaalaman sa eleksyon.

Ayon sa mga pag-aaral nasa apatnuput pitong milyong pilipino ang aktibong gumagamit ng social media.

Kaya naman mas madaling makararating sa mga ito ang mga mensahe o impormasyong kailangang maipaabot ng ahensya.

Malaking tulong din umano ito upang makabahagi ang mga Pilipino para sa darating na presidential at vice presidential debate ngayong Pebrero.

Tags: , ,