COMELEC Advisory Council, binuong muli para sa eleksyon 2022

by Erika Endraca | December 16, 2020 (Wednesday) | 6932

METRO MANILA –Binuong muli ang Comelec Advisory Council (CAC) bilang paghahanda sa nalalapit na nasyonal at lokal na eleksyon sa 2022.

Ayon sa mandato ng Automated Election Law o Republic Act No. 9369, nararapat na magkaroon ng pinakaangkop na teknolohiya para sa automated election system. Kasama rin sa batas na ito ang pagbuo ng lupon upang magbigay ng payo at tulong sa pagpapatupad ng Automated Election System (AES).

Binubuo ng 9 na miyembro ang CAC: si DICT Secretary Gregorio B. Honasan II na siyang tatayong CAC Chairman, si DOST USec Brenda L. Nazareth-Manzano, si DepEd Usec Alain Del B. Pascua bilang representative ng pamahalaan, si Dr. Jan Michael Yap ng University of the Philippines bilang representative ng akademya

Mula naman sa Information and Communications Technology organizations sina Atty. Samuel Matunogas ng NICP at Jonathan D. De Luzuriaga ng PSIA. Si Isabelita Ojeda ng ISACA Manila Chapter ay kasama rin sa konseho.

Sina Dr. William Emmanuel S. Yu ng PPCRV at Angel S. Averia Jr. ng NAMFREL ang mga magiging representatives mula sa mga non-government electoral reform organizations.

(Beth Pilares | La Verdad Correspondent)

Tags: