Sa apat na pu’t isang pahinang resolusyon na sinulat ni Commissioner Aimee Ferolino, dinismiss ng COMELEC first division ang tatlong consolidated cases laban kay presidential candidate Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. dahil sa kawalan ng merito.
Ito ang mga kasong isinampa ni Bonifacio Ilagan et al, Abubakar Mangelen, at AKBAYAN et al.
Sa kanilang desisyon, nilinaw ng dibisyon na hindi pwdeng i-apply kay Marcos ang perpetual disqualification sa ilalim ng presidential decree 1994 dahil naging epektibo lang ang batas noong January 1, 1986, at wala rin sa desisyon ng Court of Appeals na siya ay disqualified sa pagtakbo ng anomang posisyon sa gobyerno.
Sa huli, binigyang diin ng COMELEC first division, batay sa Supreme Court ruling sa kasong republic of the Philippines versus Ferdinand Marcos II and Imelda Marcos.
Ang bigong paghahain ng income tax return ay hindi kasalanan na may kinalaman sa moral turpitude.
Sinuri din ng dibisyon ang mga dokumento na isinumite ng respondent na nagpapakitang nagbayad ito ng kanyang tax deficiences at penalties.
Sa kanyang hiwalay na concurring opinion, sinabi ni Commissioner Marlon Casquejo na bumoto siya pabor sa pag-dismiss ng mga kaso.
Ayon kay Casquejo, ang desisyon ng Court of Appeals ay pinal at wala sa kanilang huridiksyon upang ito ay baguhin.
Samantala, sinabi naman ng petitioner na AKBAYAN, hindi pa tapos ang kanilang laban at mag-aapela sa COMELEC en banc.
Ayon naman kay Atty. Howard Calleja, abogado ng petioner ng Bonifacio Ilagan et al na hindi na sila nagulat desisyon ng comelec first division, pero, patuloy nilang gagamitin ang lahat ng legal remedies.
Sa kabila nito pinuri naman ng kampo ni Marcos ang mga miyembro ng COMELEC first division sa kanilang pagdismiss sa umano’y nuisance petitions.
Napatunayan din umanong guilty ang mga petitioner sa tahasang pagliligaw sa COMELEC sa pamamagitan ng kanilang maling paggamit ng mga probisyon ng batas.
Dante Amento | UNTV News
Tags: BBM, Bongbong Marcos, COMELEC