Tinapos na nga ng pamahalaan ang lahat ng combat operations sa Marawi City matapos ang limang buwang digmaan laban sa ISIS inspired terrorist group na Maute sa Marawi City.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, na-neutralize na ng mga sundalo ang mga natitirang miyembro ng armadong grupo.
Sa ngayon ay inaalam pa ng militar ang security situation sa buong Mindanao upang makapagbigay ng rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte kung sususpindihin na o itutuloy pa ang umiiral na batas militar sa rehiyon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ang tuluyang paglaya ng Marawi ay nagpapakita ng tagumpay ng bansa kontra banta ng violent extremism at radicalism.
Umapela rin ito sa publikong tulungan ang pamahalaan para magtuloy-tuloy ang pagkamit ng bansa sa kapayapaan at seguridad.
Tags: combat operations, ISIS, Marawi City