Colombia nasa red alert dahil sa forest fires

by Radyo La Verdad | December 31, 2015 (Thursday) | 1630
Colombia forest fires(REUTERS)
Colombia forest fires(REUTERS)

Inilagay na sa red alert ang Colombia dahil sa forest fires sa bansa dahil sa matinding tagtuyot bunsod ng El Niño Phenomenon.

Sakop ng red alert ang walumpong porsyento ng Colombia.

Ayon sa environment ministry pumalo sa three hanggang four degrees celcius ang temperatura sa buong bansa.

Umabot na rin sa 105 thousand hectares ang napinsala sa mahigit apat na libong mga forest fire na naganap sa buong taon.

Pinakaapektado nito ang Andes Mountains.

Nagtutulong-tulong na ang iba’t ibang rescue team, fire department at military upang apulahin ang forest fires partikular na sa bahagi ng Cudinamarca sa Central Colombia.

Tags: , ,