Maaari nang makakuha ng libreng PhilHealth Insurance ang mga college student sa bayan ng San Roque sa Northern Samar.
Ito ay bahagi ng National Health Issurance Program na inilunsad ng pamahalaan na layong matulungan ang mga mahihirap na mag-aaral sa kolehiyo.
Sa joint memorandum ng Commission on Higher Education (CHED) at PhilHealth, nais nitong mabigyan ng kasiguraduhan ang mga kabataang magbabalik sa face-to-face classes sa San Roque sakaling magkasakit.
Ayon sa CHED, isa sa mga criteria para makakuha ang mga college students ay ang kanilang certificate of indigency na nagpapatunay na karapatdapat na mabigyan ang sinomang gustong mag-avail sa nasabing programa.
Nangako naman ang pamahalaang lokal ng San Roque na tutulungan nito ang mga mag-aaral na makakuha sa nasabing benepisyo.
Maaaring makipag-ugnayan lamang sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO)
(Syrix Remanes | UNTV News)