Code white alert sa mga pampublikong ospital sa bansa, itinaas ng DOH kaalinsabay ng nalalapit na Undas

by Radyo La Verdad | October 26, 2016 (Wednesday) | 3211

DOH
Itinaas ngayon ng Department of Health sa code white alert ang lahat ng mga pampublikong ospital sa bansa at kanilang mga regional offices kaalinsabay ng nalalapit na Undas.

Sa ilalim ng code white alert, inaatasan ang mga doktor, nurse at medical team na maging handa sa pagbibigay ng anumang medical emergency assistance na kakailanganin ng mga pasyente.

Epektibo ang code white alert simula October 30 hanggang November 2.

Samantala, nagpaalala rin ang doh sa publiko na mag-ingat sa mga pagkain at inumin na ibinebenta sa mga sementeryo, dahil sa mga sakit na possibleng makuha sa hindi malinis na paghahanda ng mga pagkain.

Kaugnay nito binuksan rin ng DOH ang kanilang 24/7 hotline numbers sa mga numerong 7111001 o 7111002, kung saan maaring makipag-ugnayan ang ating mga kababayan na mangangailangan ng emergency medical assistance ngayong Undas.

Tags: , , ,