Coalition nina Senador Santiago at Marcos, ininasapinal pa

by Radyo La Verdad | October 22, 2015 (Thursday) | 18957

bryan_,marcos
“Kaya hindi pa namin masabi na final na ang ganitong usapan dahil marami pang hindi naman sa marami pero mayroon pang mga isyu na kailangan pang i-decide.”

Ito ang sinabi ni Senador Ferdinand Marcos Junior kaugnay ng kanyang pakikipagtambal kay Sen. Miriam Defensor Santiago para sa 2016 elections.

Ayon sa vice presidential aspirant, kabilang sa mga kailangan nilang pagusapan ay ang sistema sa kanilang gagawing pangangampanya at kung sino-sino ang nasa senatorial line up.

Sa ngayon isa-isa ng kinaki-usap nila Santiago at Marcos ang posibleng mapabilang sa kanilang senatorial slate.

Una ng sinabi ni Senador Santiago na dahil sa kapos sila sa budget at sa posibleng paagkakasabaysabay ng kanilang mga commitment ay di maaalis na magkakanya-kanya silang kampanya ni Marcos.

Kagabi ay kabilang si Marcos sa mga panauhin ng vice mayors’ league annual national convention gayundin si Vice Presidential Candidate Alan Peter Cayetano at Martin Romualdez na tatakbong senador sa 2016 elections.

Sinabi naman ni Romuladez na isang magandang karagdagan sa labanan sa pagkapangulo at pangalawang pangulo ang tambalang Santiago-Marcos.

Oras na maisapinal ang usapan sa koalisyon nina Santiago at Marcos ay kanila itong i-aanunsyo sa publiko
Bagamat magkakatunggali sa pulitika sa 2016 elections , sinabi ni Cayetano na sinusuportahan niya ang mga programa ni Marcos ukol sa local government. (Bryan De Paz/UNTV Correspondent)

Tags: ,