Coal at industrial emission sanhi ng malalang polusyon sa China – environmental experts

by Radyo La Verdad | December 3, 2015 (Thursday) | 1559

NORTH-CHINA
Sinasabi ng Chinese environmental experts na ang makapal sa smog sa North China ay bunga ng coal at industrial emission.

Nagsimulang mabalot ng makapal na maruming usok ang Beijing lalo na ang North China kabilang na ang Tianjin at Hebei Province noong November 26.

Sa tala ng Beijing Municipal Environment Monitoring Center umakyat na sa 900 micrograms per cubic meter ang polusyon na naranasan sa Beijing noong lunes ng hapon.

Nasa 25 micrograms per cubic meter lamang ang ligtas na malanghap ng tao batay sa World Health Organization

Ayon sa Ministry of Environmental Protection ng China umaabot na tatlumpu’t pitong siyudad na rin sa bansa ang nakalista sa mga siyudad na grabe na ang polusyon.

Tags: ,