COA, hinikayat naipagpatuloy ang imbestigasyon sa mga kongresistang nadadawit sa PDAF at DAP scam

by Radyo La Verdad | May 12, 2015 (Tuesday) | 1516

BELMONTE

49 na kongresista ang iniuugnay sa umano’y maling paggamit ng kanilang Priority Development Assistance Fund o PDAF at nakatanggap ng Disbursement Acceleration Program o DAP base sa inilabas na report ng Commission on Audit.

Ayon sa report ng COA ang mga pondo mula sa mga nasabing mambabatas ay ibinigay sa National Commission on Muslim Filipinos o NCMF isang ahensyang binuo sa ilalim ng Office of the President noong February 2010.

Subalit hindi nakapabigay ng kumpletong dokumento ang NCMF at wala rin itong ginawang liquidation sa P670 million pesos na PDAF at DAP funds mula sa mga mambabatas.

Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte Jr., dapat ipagpatuloy ng COA ang kanilang imbestigasyon upang malaman kung sino ang mga kongresistang nakinabang sa pork barrel scam.

Gayunman nilinaw ng House Speaker na dapat ay bigyan muna ng pagkakataon ang mga ito na makapagsumte ng kanilang mga dokumento sa COA bago husgahan. (Grace Casin / UNTV News)

Tags: , , , ,