Closure order vs Payatas landfill, idinepensa ni DENR Sec. Roy Cimatu sa Commission on Appointments

by Radyo La Verdad | September 28, 2017 (Thursday) | 9748

Hindi na umaayon sa Environmental laws ang Payatas landfill dahilan upang ipasara na ito.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, bukod sa seguridad ay may banta na ito sa kalusugan ng mga residenteng nakapaligid sa land fill.

Ayon pa sa kalihim, sa ngayon ay hindi siya payag sa hinihiling na extension ng Quezon City Government na payagan itong makapag-operate hanggang Disyembre.

Isa sa nakikitang alternatibo ng DENR Chief ay ang pagtatayo ng mga bagong sanitary landfill, at dahil masyadong mahal, iminungkahi ni Sec. Cimatu sa mga local government units na pagtulungan ito.

Tinatayang aabot sa 50 hanggang 100 million pesos ang pagbubukas nito.

Sa October 4, posibleng ilabas na ang magiging desisyon sa kumpirmasyon ng appointment ng kalihim.

Kung saan ilang katanungan na lamang mula sa mga kongresista ang kailangang sagutin ng DENR Chief.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

 

 

 

Tags: , ,