Close contacts ng COVID-19 patients, pinayuhan na ipagpaliban ang pagpunta sa voting precincts

by Radyo La Verdad | May 3, 2022 (Tuesday) | 6641

METRO MANILA – Nakasaad RA 11332 o batas sa mandatory reporting ng notifiable diseases gaya ng COVID-19.

Na hindi maaaring makaboto ang mga may COVID-19 o may exposure sa isang positibo sa COVID-19 at sumasailalim sa quarantine o isolation period.

Binigyang diin ng Department of Health (DOH) na kailangang manatili lang sa loob ng tahanan o kung saan naka- quarantine ang mga close contacts sa araw ng halalan.

Sa isang panayam sinabi rin ni Health Sec. Francisco Duque III na dapat ipagpalagay ng miyembro ng pamilya na nahawa sila kapag may isang positibo sa kanila sa COVID-19 dahil sa bilis ng hawaan dulot ng Omicron variant of concern.

Pinapalalahan din ng DOH ang mga kandidato na huwag nang magsagawa ng pisikal na meeting de avance sakaling nakararanas ng anomang sintomas upang matiyak na walang hawaan.

Ayon pa sa DOH, ang pag- iingat at pagiging responsable ngayong may pandemya bago ang halalan ay katiyakan na maisasakatuparan ng bawa’t isa na maghalal ng kanilang mga napipisil na kandidatong nararapat mamumuno sa Pilipinas.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,