Clinical trial ng VCO para sa severe cases ng COVID-19, matatapos na – DOST

by Erika Endraca | June 11, 2021 (Friday) | 2104

METRO MANILA – Inanunsyo ng Department of Science and Technology (DOST) noong Hunyo nang nakaraang taon ang pagsisimula ng clinical trial sa Virgin Coconut Oil (VCO) bilang pangontra sa mga sintomas ng COVID-19.

“Patuloy po ang pananaliksik para tayo po ay maka-diskubre ng mga gamot at pamamaraan para makuntrol natin ang kinakaharap natin na prolema ngayon pandemiya ng COVID-19” ani DOST Philippine Council for Health Research Development Executive Director Doctor Jaime Montoya.

Ayon kay Philippine Council for Health Research Development Executive Director Doctor Jaime Montoya ng dost, batay sa kanilang ginagawang pagsusuri, maganda ang resulta nito sa mga pasyenteng sa isang komunidad sa Sta.Rosa Laguna.

Mabilis na nawala ang kanilang mga sintomas na pawang mild at non-severe.

Gayunman ayon sa DOST kinakailangangan pa rin ang ibayong pagaaral para matukoy kung magiging epektibo rin ang VCO sa severe COVID-19 cases.

“Nakatutulong po ito para mas mabilis mawala yung mga sintomas nang hindi sila lumala at maging severe disease,tayo po ay natutuwa sa resulta at ito po ay natanggap na ng International Journal of Functional Foods na katunayan na kinikilala na ang resulta ng pagaaral na ito bagamat ang sinasabi ko nga para gamitin ito ng mas malawakan kailangan tignan pa natin ito sa ibang indikasyon” ani DOST Philippine Council for Health Research Development Executive Director Doctor Jaime Montoya.

Nauna nang inianunsyo ng DOST na posibleng matapos ang clinical trial sa katapusan ng Hunyo.

Pagkatapos nito ay isusumite nila ang resulta ng pag-aaral sa Food and Drug Administration (DOST) upang opisyal na maisama ang iba pang indikasyon sa paggamit ng VCO bilang pangontra sa mga sintomas ng COVID-19.

Samantala, ipinaliwanag naman ng DOST na magkaiba ang benepisyo at proteksyon na makukuha sa paggamit ng VCO at pagpapabakuna laban sa COVID ng isang pasyente.

“Kailangan po linawin po natin magkaiba po iyan ang bakuna po ay ibinibigay sa mga wala pang sakit at ibinibigay yan para hindi sila magkasakit ang VCO po ay sa kasalukuyan pinag-aaralan natin kung makatutulong siya sa paggaling kaagad ng mga mayroon nang COVID-19 so hindi po iyan pareho ang pagbabakuna ay mahalaga ay kailangan itaguyod at gawin” ani DOST Philippine Council for Health Research Development Executive Director Doctor Jaime Montoya.

Kumpyansa naman ang DOST na oras na mapatunayan na epektibo ang VCO Laban sa COVID-19 virus malaki ang magiging tulong nito sa COVID-19 respose ng pamahalaan.

Malaking bagay rin aniya ito upang maipromote at mapalakas ang industriya ng coconut industry sa bansa.

“Mayroon tayong mga industriya na na pwedeng makinabang kapag ito ay napatunayan na talagang magagamit sa COVID-19 bukod pa dito ito po ay mura at madali pong magamit ng ating mga kababayan kaya ito’y malaking tulong…ito poy ating talagang produkto tayo po ang nagaral at tayo po ang nagdevelop” ani DOST Philippine Council for Health Research Development Executive Director Doctor Jaime Montoya.

(Janice Ingente | UNTV News)

Tags: ,