Climate Change Summit sa Paris, France, nagsimula na

by Radyo La Verdad | December 1, 2015 (Tuesday) | 2780
Climate Change Comference(REUTERS)
Climate Change Comference(REUTERS)

Nagsimula na ang Climate Change Summit o Conference of Parties o COP21 sa Paris, France at kasama sa mga dumalo si Pres. Benigno S. Aquino III.

Nasa sa 150 world leaders ang dumalo sa Climate Change Forum na layong palawigin ang kasunduan sa paglaban sa lumalalang climate change sa mundo.

Sa talumpati ni Pangulong Aquino sa summit ibinahagi niya ang mga karanasan ng pilipinas sa mga kalamidad gaya ng bagyong Haiyan at ang proseso ng pagbangon pagkatapos ng pananalasa nito.

Sinabi rin ng Pangulo na bagamat isa ang Pilipinas sa mga bansa sa mundo na may pinakamababang porsyento ng carbon emission ay committed ang bansa sa kasunduan na mapababa ang green house gasses emission bago sumapit ang 2030.

Ngunit humingi ito ng suporta gaya ng financial aid, technology development at capacity building sa international community upang maabot ang naturang target.(Piching Vizcarra/UNTV Correspondent)

Tags: , ,