Cleanup drive at tree planting, isinagawa ng UNTV at MCGI sa ilang bahagi ng Tarlac

by Radyo La Verdad | September 24, 2015 (Thursday) | 1504

bryan_clean-up
Ang Benigno S. Aquino National High school ang isa sa mga pinakamalaking paaralan sa bayan ng Concepcion sa Tarlac.

Dahil sa laki at lawak nito, pahirapan ang pagmamantine sa mga puno at pagtabas sa lumalagong mga damo.

Bilang tulong sa pagpapaganda ng paaralan, sama-samang naglinis at nagtanim ng mga puno ang UNTV at Members ng Church of God International, katuwang ang mga kawani at ilang estudyante.

Isandaang puno ng atis, guyabano at mangga ang itinanim sa paligid na maaaring pakinabangan ng mga mag-aaral sa mga susunod na taon.

Samantala, sa bahagi naman ng Tarlac city at bayan ng Paniqui ay sama-samang nilinis ng UNTV at MCGI ang madamong compound ng DSWD home for the girls at ng barangay hall sa sinigpit.

Malaking tulong ang cleanup drive upang mabawasan ang kaso ng dengue sa lugar lalo’t may naitala ritong limang kaso ng sakit noong nakaraang dalawang buwan.

Ang public service na ito ay kaugnay ng pagdiriwang ng UNTV ng ika-labing-isang anibersaryo.(Bryan Lacanlale/UNTV Correspondent)