Clean up operation sa 2000 litro ng langis na tumagas sa Antipolo river sa Rizal, nagpapatuloy

by Radyo La Verdad | September 10, 2015 (Thursday) | 3687

GARRY_OIL-SPILL
Pinag-aaralan na ngayon ng lokal na pamahalaan ng Teresa, Rizal kung magsasampa ng kaso laban sa kumpanya ng semento sa antipolo, rizal na responsable sa pagtagas ng nasa dalawang libong litro ng bunker oil sa Antipolo river.

Isa ang bayan ng Teresa sa pinaka-naapektuhan ng oil spill sa 15 kilometrong Antipolo river.

Lunes ng gabi nang iulat ng mga residente sa mga barangay official ang tungkol sa oil spill matapos na mapansin ang masangsang na amoy na nanggagaling sa ilog.

Inako naman ng kumpanya ng semento na cemex ang responsibilidad sa nangyaring oil spill ngunit sinabing aksidente lamang ito.

Kahapon ay naglatag ng mga abaka at coco coir ang municipal disaster risk reduction ang management council ng morong sa ilog upang masipsip nito ang mga langis.

Pinapayuhan ng lokal na pamahalaan ng rizal na wag munang mangisda o kumain ng isda na nahuhuli sa ilog at sa lawa ng laguna habang hindi pa natatapos ang clean up operation.

Sa ngayon ay patuloy pa ding iniimbestigahan ng denr at coastguard ang nangyaring oil spill.(GARRY PEREZ/UNTV Correspondent)

Tags: ,