Nakahanda na ang Iloilo City Department of Education sa pagsasagwa ng brigada eskwela 2016 na magsisimula ngayong araw.
Kahapon pa lamang ay may mga ilang guro na abala na sa paghahanda ng kani-kanilang mga paaralan para sa pagpapasimula ng school maintenance week o brigada eskwela ngayong umaga.
Isasagawa sa Iloilo City National High School o ICNHS ang kick off ng brigada eskwela sa syudad ng Iloilo.
Hinihikayat ng DEPED ang lahat ng mga professionals na maaring mag-volunteer na dumalo sa brigada eskwela upang makasuporta sa ilulunsad na proyekto, ang clean for a cause.
Sa naturang programa, maliban sa serbisyo na kanilang gagawin na paglilinis at pagkukumpuni ng mga sira sa paaralan, bawa’t isa sa kanila ay magbibigay ng P39 sa kada oras ng igugugol nila sa paglilinis.
Ang perang malilikom dito ay para sa pagpapaayos at pagpapaganda ng paaralan.
Gaya nalamang sa Iloilo City National High School, ang pinakamalaking hayskul sa syudad at may pinakamaraming estudyante.
Sa darating na pasukan, sa covered gym at ilang mga bakanteng opisina isasagawa ang klase ng junior high school dahil kakulangan ng classroom.
Mayroon ding kinakailangang ipapaayos na luma at sirang arm chairs, black boards, comforts rooms, gripo at iba pa.
Umaasa namang ang DEPED na tumugon sa panawagan ang kinauukulan.
(Lalaine Moreno / UNTV Correspondent)
Tags: Clean for a cause program, Iloilo City DEPED, mga paaralan sa probinsya