Classroom shortage, problema ngayon ng ilang paaralan sa Q.C.

by dennis | June 1, 2015 (Monday) | 2126
File photo: ACT Partylist Rep. Antonio Tinio
File photo: ACT Partylist Rep. Antonio Tinio

May ilang paaralan pa rin sa Quezon City ang problemado dahil sa kakulangan ng silid-aralan sa pagbabalik-eskuwela ng mga mag-aaral ngayong araw.

Sa isang eksklusibong panayam sa programang Tinig ng Pilipino kay Alliance of Concerned Teachers Party-List Representative Antonio Tinio, sa kanilang pag-iikot sa Batasan Hills National High School, napansin nila na dalawang section ang gumagamit ng isang silid-aralan.

Umaabot ng 45 estudyante ang bawat section kaya’t lumalabas na nasa 90 mag-aaral ang nagsisiksikan sa loob isang classroom.

Pero sa kabila nito, ayon kay Tinio, naging tahimik at organisado naman ang klase sa nabanggit na paaralan.

Samantala, ipinahayag ng kongresista na magdaraos ng kilos-protesta ang ACT Party-List kasama ang iba pang militanteng grupo para ipakita ang kanilang pagtutol sa K-12 program mamayang alas-3:00 ng hapon.

Magmamartsa ang mga militanteng grupo mula Morayta hanggang sa Freedom Bridge sa Mendiola, Maynila.

Tags: ,